
KINOMPIRMA ni Presidential adviser Carlito Galvez Jr., ang kanyang pagkakatalaga sa Department of National Defense (DND) bilang senior undersecretary at officer-in-charge – katulad sa posisyon ng nagbitiw na defense chief Jose Faustino Jr.
Sinabi ni Galvez na binigyan siya ng Office of the President ng naturang designation kaya hindi na niya kailangan pang hadlangan ang Commission on Appointments.
Subalit binigyang-diin ng defense chief na hindi mahalaga ang titulo hangga’t hawak niya ang pinakamataas na posisyon sa DND. “It doesn’t matter,” dagdag niya, tinutukoy ang posisyon. “Ang importante, we put leadership in DND so that it will be seamless and stable.”
Noong Enero 9, kinumpirma ni Presidential Comminucations Office OIC Cheloy Garafil ang pagbibitiw ni Faustino bilang DND Chief, at inalok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Galvez ang posisyon sa DND.
Ang bagong DND senior undersecretary ay dating military chief-of-staff at naging Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity.
Nagsilbi rin siya bilang vaccine czar noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic sa bansa, sa ilalim ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Bilang bagong DND chief, sinabi ni Galvez na ang marching order ni Marcos ay upang matiyak na mapangangalagaan ang soberanya ng bansa at walang isang pulgada ng teritoryo ng bansa ang mawawala sa ilalim ng kanyang pamumuno
More Stories
IMEE MARCOS: PRESYO NG BILIHIN, TULONG SA SOLO PARENTS, SENIOR AT PWD, PRAYORIDAD SA SUSUNOD NA TERMINO
IMEE SA LUMABAS NA LARAWAN: ‘WALANG PERSONAL NA KONEK!’
2 PATAY SA SALPOKAN NG KOTSE AT BUS SA CALAUAG, QUEZON