Tiwala umano si Senator Bong Go na dapat unahin ang mga mahihirap, vulnerable, frontliners, mga sundalo, guro at senior citizens na bigyan ng COVID-19 vaccine sa oras na makabili na ang bansa sa susunod na taon.
Napansin daw kasi ng senador na marami pa ring Pilipino ang mga agam-agam na magpabakuna.
Dahil dito ay hinamon niya mismo sina vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. at Health Secretary Francisco Duque III na magboluntaryo na unang magpabakuna para malamang kung magiging ligtas ang nasabiong gamot.
Ito ay para raw kahit papaano ay maging kampante ang sambayanan na walang magiging masamang epekto ang gamot na ituturok sa kanila.
Hirit pa ni Go na dapat ay maging libre ang COVID-19 vaccine para sa mga mahihirap.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY