November 23, 2024

GALANZA, TOLENTINO AT WONG, IKAKAMADA SA WOMEN’S NAT’L INDOOR VOLLEYBALL POOL

Idinagdag sa women’s national indoor volleyball team pool ang tatlong volleybelles. Sila ay naglalaro sa Premier Volleyball League (PVL). Sila ay sina Deanna Wong at Kat Tolentino ng Choco Mucho. Gayundin si Jema Galanza ng Creamline Cool Smashers.


Nakatanggap ang tatlo ng invitation sa national team. Na sasabak sa 2021 Asian Women’s Club Volleyball Championship sa October. Ang 23-anyos na si Wong ay naging Best Setter sa PVL Open Conference.


Ang 5-foot-8 Cebuana ay may average na 5.79 sets per frame at may total na 136 digs noong semis. Siya ay pang-apat sa gayung category sa liga.


Ang 26-anyos naman na si Tolentino ay hinirang na Best Spiker na may average na 14.91 points per game. Napanatili niya ito hanggang semis at pangalawa itong best sa liga.


Si Galanza naman, 24, ay naging MVP ng 2019 Open Conference. Sa nakaraang PVL conference, nagtala ang 5-oot-7 spiker ng 103 total points hanggang semis. ito ay pang 11th best sa liga.


Dahil sa mga statistics na ito, na-impressed si coach Odjie Mamon at Brazilian consultant Jorge Edson Souza de Brito.