NASAKOTE ng mga pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation – Bicol Regional Office at ng NBI – Laguna District Office ang isang suspek na Most wanted sa Bicol Region at miyembro rin ng kilabot na “Gilbert Concepcion” Criminal Group noong araw ng Lunes sa Canlubang, Laguna.
Nakilala ang suspek na si Ruel Cabrillas, na gumagamit ng alyas na “Ruel Arellano”, para makaiwas sa mga awtoridad.
Ayon kay NBI Agent Atty. Feilpe Jessie S. Jiminez Jr., na may hawak sa kaso, sangkot umano ang grupo na pinamumunuan ni Gilbert Concepcion, isang Absent without leave o AWOL na dating militar, sa mga pagdukot at pagpatay sa hindi bababa sa tatlumpung mga biktima na karamihan ay mga police asset sa Libon, Albay at sila rin ang itinuturong bumaril at nakapatay sa radio broadcaster na si Joey Llana.
Responsable rin umano ang grupo sa paglikida sa dalawang mayor, at ilang mga tauhan ng mga may-ari ng construction business sa Bicol at pagdukot sa magkapatid na Gilbert at Glenn Quinzon na natagpuang pinagputol-putol ang mga katawan noong June 2022 at pagpugot ng ulo kina Newin Ansay at Marlon Ansay.
Sinabi din ni NBI Agent Atty. Jiminez, na maliban sa Bicol Region ay umaabot din sa Calabarzon at Metro Manila ang ginagawang operasyon ng mga suspek na aabot umano sa limampu katao ang bilang ng kanilang mga miyembro partikular na sa Bicol Region. Patong-patong na kaso ng Kidnapping with Murder ang isinampang kaso ng NBI sa Regional Trial Court sa Albay laban kina Gilbert Concepcion, Boboy Mariano alyas “Vince” o “Bay” at sa nakakulong na si Cabrillas. (KOI HIPOLITO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY