December 25, 2024

GABRIELA KAY MARCOS JR: MARY JANE VELOSO ISALBA (Sa pagbisita ng Pangulo sa Indonesia)

MULING humirit si Assistant Minority Leader at Gabriela Partylist kay Pangulong Marcos Jr na tulungan silang isalba sa kamatayan at hilingin kay Indonesian President Joko Widodo na gawaran ng clemency ang death convict na si Mary Jane Veloso.

Ito’y matapos dumating sa Indonesia ang Pangulo para sa kanyang unang state visit.

“There is no compelling reason for Marcos Jr. to backtrack from his agenda of bringing up Veloso’s case when he meets Indonesian President Widodo. Sinabi na ng DFA last week sa budget hearing na tatalakayin ito sa state visit, kaya tuparin sana ito,” saad ni Rep. Brosas.

“Veloso has been languishing in jail for so long for a crime she didn’t commit. Natapos na ang termino ng 2 presidente at may bagong Pangulo na, kaya dapat pursigihin ang pagpapalaya sa kanya,” dagdag pa nito.

Ayon sa mambabatas, si Veloso ay biktima ng human trafficking, tulad ng ibang Filipino na patuloy na nahaharap sa death row hanggang sa ngayon – karamihan sa kanila ay puro kababaihan.

“There are currently 65 Filipinos facing the death row, most of whom are women and nearly half are in Malaysia, according to the DFA. Dapat magkaroon ng agarang aksyon sa mga kasong ito at palakasin ang mga mekanismo kontra human trafficking,” ani ni Rep. Brosas. “President Marcos Jr. should also consider conveying the request for clemency for Filipino women facing death row in Malaysia to Prime Minister Ismali Sabri Yaakob,” dagdag pa nito.

Wika pa ng Gabriela Partylist, na pinag-aaralan na nila ang posibilidad na maghain ng bagong batas na magpapalakass sa anti-trafficking efforts ng gobyerno upang wala ng katulad ni Velozo ang mabiktima ng drug syndicates at traffickers.