Hindi dapat maliitin ni reigning WBC bamtamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire Jr. si Reymart Caballo. Ang huli ay undefeated pug at mandatory challenger sa title belt ni Donaire.
Ayon sa kampo ni Gaballo, nirerespetu ng kanilang manok si Donaire. Pero, isasantabi muna ito kapag nagharap na sila sa ring.
“ Otomatik yun, wala munang kai-kaibigan, kababa-kababayan. Laban ‘yan ‘e. Tama ang sinabi niya. Kasi, kung di i-si-set-aside yan ni Reymart, maapektuhan ang focus niya. Mahirap kasi na kapwa mo Pilipino ang kalaban mo,” sabi ng source.
“ Pero, gaya ng sinabi niya (Donaire), gutom sa titulo si Reymart. Gusto nitong magchampion. Kaya, gagawin nito ang lahat para manalo,” aniya. Inamin naman ni Donaire sa isang panayam na delikadong kalaban si Gaballo. Kaya, puspusan ang training niya . Lalo na ang paghasa ng knockout punch.
“He’s hungry that makes him very dangerous. He’s talented,” ani Donaire. Magsasagupa ang dalawa sa December 11 sa Dignity Health Sports Park sa Carson City, Los Angeles.
More Stories
Reyes ‘di sinanto ang mga kalaban sa 2025 Santa Maria Town Fiesta Chess Challenge
STRONG GROUP ATHLETICS HINDI LALARO SA BRONZE MATCH DAHIL SA NANGYARING LUTUAN?
Wembanyama napili bilang isa sa mga reserve para sa kanyang unang NBA All-Star Game