ARESTADO ang isang suspek na nambubudol sa online cash transfer matapos mambiktima sa Calamba, Laguna.
Kinilala ni Acting Provincial Director, Laguna, Police Colonel Cecilio R Ison Jr, ang mga suspek na si Edmon Catubigan, , at naninirahan sa Purok-3 Arevallo Compound Cupang, Muntinlupa City, NCR, at ang isa pang suspek na si alyas “Vergie”.
Ayon sa Calamba CPS naganap ang pangyayari bandang alas-3:00 ng hapon noong Agosto 2 sa G-Cash outlet sa B51 L29 Palao, Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna. Di-umano, habang may kausap sa cellphone ang nabanggit na suspek na si Catubigan, nilapitan nito ang biktima na si Maria Angelique L Po, 23, residente ng Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna at humingi ng tulong kung paano mag-transfer ng cash sa pamamagitan ng Gcash account number at iniabot ang kanyang cellphone sa nabanggit na biktima at pinaka-usap ang nasa kabilang linya na si Vergie.
Nagpakilala si Vergie at tinanong ang buong pangalan ng biktima pati na rin ang mga singil sa bawat transaksyon. Ang nabanggit na biktima ay nagbigay ng kanyang personal na impormasyon, Gcash account number at one time password (OTP). Pagkatapos nito, nagulat ang biktima nang makatanggap siya ng transaksyon sa kanyang Gcash account, na naglipat ng halagang PHP 48,000.21 sa ibang Gcash account.
Agad namang umalis ang nasabing suspek na si Edmon matapos ang nasabing transaksyon, tinawag naman ng biktima ang kanyang ama at hinabol ang suspek na kalaunan ay nahuli.
Dinala ng tatay ng biktima ang suspek sa Police Station ng Calamba CPS sa tulong na rin ng mga barangay tanod.
Narekober sa suspek ang isang unit ng Vivo cellphone na ginamit para maka-usap ng biktima ang kasabwat na si alyas Vergie na kasalukuyang pinaghahanap na ng pulisya.
Kasalukuyang nakapiit naman ang suspek na si Edmon sa Calamba CPS at nahaharap sa kasong Swindling Estafa of Art. 315 of RPC in relation to Sec. 6 of RA 10175 Anti-Cyber Crime Law.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?