Batid na ni San-En Neophoenix guard Thirdy Ravena ang maaaring mangyari sa kanya. Alam niya na matatagalan pa ang kanyang full recovery sa injured right hand.
Nagtamo ng pinsala sa shooting arm si Ravena sa laro noong Sabado sa Japan B. League.
Nalaman niya ang tungkol dito pagkatapos ng meeting sa Neophoenix doctor and physiotherapist.
“We are now in the process of getting myself back to 100 percent as we can but I do understand that it will an arduous journey to recovery,” saad ni Ravena sa kanyang Instagram account.
“With the help of my ever-supportive teammates and our hardworking team staff at San-En, I am fully focused on getting back and making sure I return fitter and stronger than ever,” aniya.
Panibago dagok ang injury kay Thirdy. Kamakailan lamang, nagpositibo siya sa COVID-19. Anupa’t hindi siya nakapaglaro ng three games sa San-En.
“I’ll be taking time to realign and refocus so that I can give you the best version of myself the next time I step on the court. See you all soon,” aniya.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!