NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan to Recover bilang One Act Bayanihan 2.
Kaya, matatanggap na ng Philippine national athletes (muli) ang kanilang full allowances na pansamantalang nalaslasan nitong mga nakaraang buwan.
“Nagulat ako nang malaman kong may slash na kalahati ang kanilang natatanggap mula Hulyo ng kasalukuyang taon,” sambit ni Philippine Olympic Committee president Abraham ‘Bambol’ Tolentino – Kongresista ng ika-8 Distrito ng Cavite.
“Masaya naman ito para sa ating national athletes and coaches including ang mga para athletes natin.”
Isang mabigat na desisyon para sa Philippine Sports Commission (PSC) ang bawasan nang nasa 50% ang natatanggap ng mga atleta at coaches dahil sa kakulangan ng pondo.
Ang National Sports Development Fund (NSDF) na umaasa sa remittance ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay naglaho dahil sa pagsasara ng casino operations bunsod ng pandemya.
Mula sa average na P120 m kada buwan, ang na-remit lng mula noong Hulyo ay P7 milyon lamang.
Si Congressman Tolentino ang nag-propose at nag-sponsor ng inklusyon sa provision upang mag-benefit ang higit 1,600 national athletes at coaches ng bansa at ang naaprubahan ay P180 milyon.
Kinakailangan pa rin ng PSC na magsumite ng ilang requirements upang maipasa na ito sa Oktubre sa Department of Budget and Management (DBM) kaya magiging retroactive ang matatanggap ng mga atleta at coaches.
“Malaking tulong ito sa ating mga atleta na nakapagbigay ng karangalan sa bansa partikular noong nakaraang 30th Southeast Asian Games Philippines 2019,” ani pa Tolentino- pangulo din ng PhilCycling.
Bukod sa allowances, ang mga atleta ay tatanggap din ng P5,000 bawat isa bilang pandemic assistance sa ilalim ng Bayanihan Act 2.
Nasa talaan ng PSC ang 996 na atleta,262 coaches, 280 para athletes, at 82 para-coaches.
Isang malaking paghahanda ang nakakalendaryo para sa ating mga pambansang atleta sa susunod na taong 2021 tampok dito ang Tokyo Olympics sa Agosto kasunod ang 31st SEAGames Vietnam 2021.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!