January 8, 2025

FRONTLINERS BAGONG BAYANI NG ‘PINAS – PANGILINAN, DELA ROSA

Sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan, binigyang-pugay ng dalawang senador ang bagong ‘breed’ nga mga bayaning Filipino na patuloy na nagsisilbi sa giyera kontra COVID-19 ng bansa.

Ayon kay Senator Francis “Kiko” Pangilinan, dapat pasalamanatan ng mga Filipino ang mga “bagong” bayani na nagsisilbi sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Sa gitna ng pagdurusa at pagkabalisa,isang bagong lahi ng mga bayani ang lumilitaw, nagpapakita ng lakas ng loob at katatagan sa pakikipaglaban,” saad niya sa tweet.

“Ngayon at araw-araw,patuloy nating pasasalamatan ang mga bayani noon at ngayon sa kanilang pagsisilbi sa bayan,” dagdag pa niya.

Samantala, kinilala ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga Pinoy na matapang na nakipaglaban noon sa Bataan.

Subalit binigyang diin nito na dapat ding kilalanin ng mga Filipino ang mga bagyong bayani na patuloy na lumalaban sa pandemya.

Fighting the coronavirus within our territory, a new breed of Filipino heroes has emerged. We call them frontliners,” saad ni Dela Rosa sa isang pahayag.

“They are the heroes in white gowns caring for patients in hospitals, the heroes equipped with syringes as they administer the much needed Covid19 vaccines to our health workers, other frontliners and residents of different [local government units], the heroes in blue or green uniforms and rattan sticks ensuring safety and order in the streets, the heroes in motorcycles delivering food and other essential items to families, and many other Filipino good Samaritans who are spreading good deeds in this time of the pandemic,” dagdag pa niya.

Ipinagdiriwang ng Pilipinas ang Araw ng Kagitingan ngayong Abril 9 para kilalanin at kadakilaan ng mga magigiting nga mandirigmang mga Pilipino na nakipaglaban noong World War II.