LILIMITAHAN lang sa 950 kada araw ang mga kliyente na mag-a-apply para sa mga documentary requirement sa police regulatory at frontline offices, ayon sa Philippine National Police.
Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Chief, Gen. Archie Gamboa, inirekomenda ng Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF), na pinamumunuan ni chief for administration, Lt. Gen. Camilo Cascolan, ang bagong panukala upang higpitan ang paggalaw ng mga sibilyan sa loob ng Kampo Krame para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Inatasan ni Gamboa ang PNP Headquarters Support Service (PNP-HSS) na mahigpit na obserbahan ang mga patakaran at regulasyon simula sa Lunes upang protektahan ang kampo sa nasabing virus.
“We see that there’s a need to adopt more measures and protocols designed to extensively reduce, if not eliminate, person-to-person transactions inside Camp Crame, particularly among the many PNP front-line services to contain the threat of Covid-19 resurgence inside Camp Crame,” wika niya.
Sa hiwalay na advisory, sinabi ni HSS Director, Brig. Gen. Alexander Sampaga, ang mga sumusunod na frontline offices at services na limitado lamang ang serbisyo para sa mga kliyente ay ang: One Stop Shop for Security Guards License (250 clients); Firearms and Explosives Office OSS (200); FEO Heritage (50); Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (150); Permit to Carry Firearms Outside of Residence (50); Retirement and Benefits Administration Service (50); Public Safety Savings and Loan Association, Inc., Crame Branch (100); and Armed Forces of the Philippines Savings and Loan Association, Inc., Crame Branch (100).
“Even under general community quarantine (GCQ), the front-line servicing units of the National Headquarters are always on track to serve our thousands of clients that need police requirements for their employment, license, and others,” ayon kay Gamboa.
Samantala, ipatutupad pa rin ang curfew sa loob ng National Headquarters mula alas-8:00 hanggang alas-5:00 ng umaga.
Inabusahan ang lahat ng Camp Crame-based offices at unit na makipag-ugnayan sa HSS para magpa-schedule sa disinfection at decontamination activities.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY