ARESTADO ang isang dayuhan kasama ang dalawang Filipino na nagtangkang manuhol sa mga otoridad na dumarakip sa dayuhang suspek na nahaharap sa kaso ng bawal na droga sa kanyang bansa.
Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang dayuhan na si Julien Barbier, 39, French [national], na may warrant of arrest dahil sa kaso ng illegal drugs na kinakaharap sa korte sa kanilang bansa, habang tinukoy ang dalawang kasabwat na Filipino na sina Aaron Bolus at Joseph Gonzales.
Sa joint operation ng BI Fugitive Search Unit, NBI, PNP CIDG at AFP Intelligence Group, nadakip si Barbier sa bisa ng Warrant of Arrest na pinalabas ng Tribunal de Grande Instance de Paris noong August 2017 at isa pang European Warrant of Arrest na inisyu ng nabanggit na korte noong September 2017, sa Clark International Speedway, Mabalacat City, Pampanga.
Dinampot at nakukulong na rin ang mga Pinoy na sina Aaron Bolus at Joseph Gonzales na nagtangkang manuhol ng P1.5 milyon sa mga otoridad upang palayain ang nasabing dayuhan.
Ang pagdakip kay Barbier ay tugon ng Pilipinas sa kahilingan ng gobyernong France hinggil sa pagiging wanted nito dahil sa mga kasong kriminal.
Sa imbestigasyon, si Barbier ay sangkot sa pagbibiyahe, pagbebenta at paggamit ng bawal na droga na nasasaad sa Article 222-37 ng French Penal Code at sinasabi rin ng mga otoridad sa Pilipinas na siya ay sangkot sa illegal bank fraud syndicate na nag-o-operate sa Pampanga at Cebu.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY