January 26, 2025

FRENCH FOOTBALL FEDERATION, GUSTING SIPAIN ANG RUSSIA SA 2022 WORLD CUP

Hiniling ng French Football Federation (FFF) na sipain ang Russia sa 2022 World Cup. Ito ay dahil sa ginawang invasion ng nasyon sa Ukraine. Mismong si FFF president Noel Le Graet ang nagsabi nito sa Le Parisien newspaper.


Aniya, hindi apat manatiling neutral lang ang sports. Lalo na sa larangan ng football.
The world of sport, and especially football, cannot remain neutral. I certainly would not oppose the expulsion of Russia,” ani Le Graet.


Nagkasa na rin ng pagkondina ang ilang bansa. Kung saan, hindi nila kakalabanin ang Russia sa World Cup play-offs. Kabilang na rito ang Czech Republic, Poland at Sweden.


Nakatakdang humarap ang Poland sa Russia sa Moscow sa March 24. Kung magwawagi, sila ang magiging host sa mananalo sa Czechs at Sweden sa March 29. Noong 2018, dinaig ng France ang Croatia sa World Cup na idinaos sa Moscow.


Sa ikaapat na araw ng pagkubkob, sinabi ng Ukrainians at Russians na handa sila sa usapin. Sa gayun ay matapos na ang conflicts. Na nagdulot ng paglikas ng libo-libong tao sa kanilang mga kabahayan.