PINALAWIG ng Court of Appeals (CA) ang freeze order sa bank accounts, real estate properties at iba pang assets na nakarehistro sa pangalang ng puganteng televangelist na si Apollo Quiboloy at kanyang Kingdom of Jesus Christ (KJC) sect.
Kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na pinalawig ang freeze order hanggang Pebrero 6, 2025 base sa resolusyon ng CA na may petsang Agosto 20.
Kinumpirma rin ni KOJC lawyer Dinah Tolentino-Fuentes ang pagpapalawig sa isang press conference sa Davao City, kung saan isang pulutong ng mga pulis ang anim na araw nang tumutugis kay Quiboloy sa 30 hektaryang compound ng religious group.
Noong Agosto 7, unang ipinatupad ng CA ang 20-day na freeze order matapos magkaroon ng merito ang kasong sexual exploition, human trafficking at financial smuggling na inihain laban kay Quiboloy at apat iba pa.
Saklaw ng kautusan ang kanyang 10 bank accounts sa Banco De Oro at Metropolitan Bank and Trust Co., gayundin ang pitong real estate properties sa Davao del Norte, Davao City, Davao Oriental, Mati at Roxas City.
Pinalawig din ang freeze order sa assets ng KJC, Sonshine Media Network International at 10 pang indibidwal na umano’y sangkot sa mga illegal na aktibidad ng pastor.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA