October 23, 2024

FRANCINE DIAZ HINDI NILILIGAWAN NI SETH FEDELIN

Nagsalita na si John Ling, ang talent manager ni Francine Diaz, kaugnay sa mga haka-haka na nililigawan ni Seth Fedelin ang kanyang alagang aktres.

Naging-usap-usapan ang dalawa matapos maispatan sina si Seth na naglaan ng oras sa pamilya ni Diaz. Ipinost ang mga larawan nila ng ina ni Francine na si Merdick Diaz sa kanyang Facebook page noong Miyerkoles Enero, 12, kaya hindi maiwasan ng mga fans kung ano nga ba ang namamagitan sa dalawa.

Sinagot ni Ling ang isyu matapos mag-comment ang isang @_eybiay sa kanayng Instagram page kahapon, Enero 16, kung nililigawan na nga ba ni Seth si Diaz.

“Nope.. that’s the truth,”  tugon ni Ling, na may kasamang 100 percent emoji.

Samantala, hindi rin maiwasan mapansin ng mga matatalas na mata ng mga fans na nag-unfollow sa isa’t isa sa Instagram sina Diaz at Andrea Brillantes, ang onscreen love team partner ni Seth.

Wala pang komento ang dalawa habang isinusulat ang balitang ito.