Interesado si dating NBA star Kevin Garnett na bilhin ang franchise ng dati niyang teamna Minnesota Timberwolves. Bukod kay Garnett, may kasama siyang grupo ng mga investors na nais bilhin ang franchise.
Napukaw ang interes ni Garnett sa team pagkatapos sabihin ni Timberwolves owner Glen Taylor na nais nitong ibenta ang koponan. Aniya, may ilang grupo rin ang nais bumili sa team.
Gayunman, iginiit ni Taylor na hindi niya ipagbibili ang team sa mga balak alisin ito sa Minneapolis.
“I was recently approached by The Raine Group to discuss the future of our franchise,” wika ni Taylor.
“From the time I bought the team in 1994, I have always wanted what’s best for our fans and will entertain opportunities on the evolution of the Timberwolves and Lynx ownership structure.”
“People have inquired who are interested but they want to move the team.They are not a candidate. We’ve made that very clear,” ani Taylor.
Kaugnay dito, optimistiko naman si Garnett na mapapasakanya ang franchise ng Timberwolves. Katunayan, pinost niya ang tungkol dito sa kanyang Instagram.
“I’m part of one of the groups trying. Lawd please let my group get this,” aniya.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!