APAT hanggang anim na taon na pagkakakulong ang ipinataw na parusa batay sa hatol ng Tagum City Regional Trial Court laban kina ACT Teachers party-list Rep. France Castro, dating Bayan Muna party-list Rep. Saatur Ocampo at 11 iba pa dahil sa paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
May kaugnayan ang kaso sa insidente noong 2018 sa Talaingod, Davao del Norte nang ihatid ng mga akusado ang 14 na menor de edad na estudyante ng Salugpungan Ta Tanu Ingkanogan Community Learning Center, Inc.
Samantala, nanindigan ang Bayan na ang insidente ay isang “rescue mission.”
Sa desisyon na may petsang Hulyo 3, 2024, hinatulan ng apat hanggang anim na pagkakakulong sina Castro, Ocampo at kanilang kapwa akusado na sina Ma. Eugenia Victoria Nolasco, Jesus Madamo, Meriro Poquita, Maricel Andagkit, Marcial Rendon, Marianie Aga, Jenevive Paraba, Nerhaya Talledo, Concepcion Ibarra, Nerfa Awing, at Wingwing Daunsay.
Inatasan ng hukuman na magbayad sila ng P10,000 bilang civil indemnity at P10,000 bilang moral damages sa bawat menor de edad, na may interes na 6% kada taon mula sa pagiging final ng desisyon hanggang sa buong pagbabayad.
“Notably, the court opines that the accused had no valid justification nor authority to take the fourteen minor students out of Dulyan campus,” ayon kay Acting Presiding Judge Jimmy Boco.
Sa magkasanib na pahayag, sinabi nina Ocampo at Castro na kukuwestiyunin nila ang desisyon ng korte.
“This wrongful conviction speaks of the continuing persecution of those who are helping and advocating for the rights of Lumad children and the persistent attacks on Lumad schools and communities,” saad ni Ocampo at Castro.
Nakatakda namang magsagawa ng indignation protest ang Bayan at iba pang grupo ngayong Lunes kasunod ng desisyon
More Stories
PNP SPOKESPERSON, REGIONAL DIRECTOR NA
DA: IMPORTED NA BIGAS HANGGANG P58/KG
UKRAINIAN MMA FIGHTER BAGSAK KAY DENICE ZAMBOANGA