Marahil kilala ng mga basketball fans si deadeye shooter J.J Redick na naglaro sa koponang Orlando Magic, Milwaukee Bucks, Los Angeles Clippers, New Orleans Pelicans,at Philadelphia 76ers ast Dallas Mavericks. Nalagay noon sa iskandalo si Redick nang malahad ang kakatwang abortion contract sa pagitan nila ng model ex-GF na si Vanessa Lopez noong 2007.
Ayon sa ulat ng MediaTakeOut, pinasok ni Redick ang kontrata nang magbreak sila ni Lopez. Ayon sa kampo ni Redick, naghahabol umano si Lopez sa kanya. Kung kaya, nasisira ang kanyang imahe at pamilya. Natukso noon si Redick sa bebot kaya pinatulan niya ito. Pero, natauhan sa bandang huli.
Ayon sa dokumento, nakasaad doon na nagdadalang-tao si Lopez nang mga panahong iyon at si Redick umano ang ama gayung may asawa na ito. Sumang-ayon din ang bebot na wakasan ang pagbubuntis at naglatag ng pruweba ng abortion. Pagkatapos nito, susubukan ng dalawa na panatilihin ang kanilang social relationship sa loob ng isa pang taon. Sa ulat naman ng Deadeye spin, pinasok ni Redick ang kontrata kung saan papasukin niya ang huwad na relasyon kay Lopez kapalit ng abortion nito noong Setyembre 13, 2007 noong naglalaro pa siya sa Orlando.
Ayon pa sa dokumento, kung di papayag si Redick na makipag-ayos sa babae dahil sa abortion proof, babayaran niya niya ang bebot ng $25,000 sa pagsira sa kasunduan. Kung hindi naman papayag si Lopez, hindi na siya pananagutan ni Redick.
Para makasiguro na siya ang ama ng dinadala ni Lopez, nagpresinta ng dokumento ang player. Duda siya na iba ang nakadale kay Lopez at siya ang gusto nitong panagutin. Hindi na bago sa kontrobersiya ang bebot. Dahil noong 2010, nasangkot si Lopez sa isyu tungkol sa kanila ni Shaquille O’ Neal. Na kalaunan ay idinemanda si O’ Neal dahil sa abusong seksuwal nito pagkatapos niyang makipagkalas sa kanilang sexual relationship.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo