
Nilahukan ng nagbabalik na si dating Mayor Joric Gacula kasama ang ‘Nagkakaisang Taytay’ team ang isinagawang Unity Walk, Inter-Faith Rally at Peace Covenant Signing na ginanap sa COMELEC Office, Barangay San Juan, Taytay, Rizal upang masiguro ang isang mapayapa, maayos, malaya at matapat na halalan.
Ito rin ang hiling ng dating alkalde at walang ibang hangarin kundi maihatid sa mga mamamayan ang patas at tapat na serbisyo para sa bayan ng Taytay.
“Ito rin po ang hiling ng inyong lingkod para sa darating na eleksyon. Dahil bilang naging lingkod bayan, wala naman po tayong ibang hangarin kundi maihatid sa ating mga mamamayan ang patas at tapat na serbisyong nararapat para sa kanila,” aniya
“Sama-sama po nating isinusulong ang pagkakaisa, respeto, at kapayapaan sa darating na #Halalan2025!” dagdag pa nito.
Si Joric Gacula ay muling tumatakbo bilang alkalde ng Taytay, Rizal.


More Stories
Droga itinago sa ari ng ginang (Tinangkang ipuslit sa New Bilibid Prison)
VICO SOTTO SA UMANO’Y PANINIRA NI SARAH DISCAYA: ‘OH COME ON’
KRIMEN SA C. LUZON BUMABA DAHIL SA KAMPANYA VS LOOSE FIRE ARMS