NANGAKO ang Department of Public Works and Highways-National Capital Region (DPWH-NCR) na aayusin ang footbridge sa Aurora Boulevard at Blumentritt Road intersection na nagmimistulang waterfall sa tuwing umuulan.
Habang patuloy ang pag-ulan, tuloy-tuloy ding lumalagasgas ang tubig sa mga hakbang ng nasabing footbridge.
“Lagi po ‘yan kapag malakas ang ulan. Akala mo man-made waterfall,” ayon sa isang residente.
“Minsan ang mga bata nandiyan. Ginawa nilang kunwari nasa waterfalls sila,” sambit pa ng isang residente.
Ayon sa DPWH-NCR, na nagtayo ng footbridge, na pamantayan ang pagkakaroon ng ilang uri ng drainage sa isang footbridge upang maiwasan itong waterfall effect.
“There should be drainage to take care of that. Never on the stairs dapat ‘yung daloy ng tubig. Papatiyak po namin kung mayroon drainage, or kung mayroon ba, barado ba?” ayon kay DPWH-NCR Director Nomer Canlas.
Dagdag pa ni Canlas na mapanganib ang footbridge waterfall.
“Safety is paramount. Could you just imagine na may cascade ng tubig doon, at may taong papanhik? If there are any findings, we will make it right this time,” aniya.
Gayunpaman, sinabi ni Canlas na agad nilang aaksiyunan ang nasabing isyu.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA