January 22, 2025

Football Festival Exhibition Game, idinaos sa loob ng New Bilibid Prison

TINIYAK ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon na tutulong sila upang matupad ang pangarap nito na mapabilang ang siyudad bilang isa sa sports hubs sa bansa.

Nangako ito na ipapapagamit nila ang BuCor Sunken Garden bilang sports facility at permanenteng training ground para sa football enthusiasts.

Isinagawa ang pangako ni Catapang Jr., sa pagbubukas ng Football Festival Exhibition Game kung saan tampok ang mga person deprived of liberty (PDL) players mula sa New Bilibid Prison Minimum Security Camp na ginanap sa Sunken Garden ng NBP compound sa Muntinlupa City nitong Sabado ng umaga.

Inorganisa ang Football Festival ng Football Club Bilibid (PCB) manager na si Rafael Misa at bahagi ng selebrasyon ng National Correctional Consciousness Week ng naturang ahensiya.

“This is not merely a promise but a concrete step towards fulfilling the vision of Mayor Biazon and to show the agency’s support in promoting healthy activities and providing opportunities for talent cultivation in the city,” ani Catapang.

“Emphasizing the importance of sports in education and character formation, the establishment of sports facilities creates a platform for social inclusion and community empowerment,” dagdag ni Catapang.

Nangako naman si Biazon na magtatayo pa ng mas maraming sports facilities sa siyudad, na binigyang-diin ang kahalagahan ng sports sa development ng mga kabataan.

Sinabi rin ni Misa, sa ngayon ay marami na rin silang naging scholar mula sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo; at mayroon din silang mga high school students na kumatawan sa nagdaang Palarong Pambansa. (RON TOLENTINO)