
Naaresto ng mga tauhan ng MPD Station 3 ang isang rider ng Food Panda na aktong magdidiliber ng bawal na droga [shabu] sa Barangay 346 Zone 35 Oroquieta St., Sta. Cruz, Manila kahapon ng umaga, Disyembre 1.
Kinilala ni MPD-PS3 Commander PCol. John Guiagui ang 48-anyos na suspek na si Eduardo Delos Santos.
Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang shabu na nagkakahalaga ng P13,000.
Ang suspek ay nasakote matapos na itimbre ng mga kabarangay na hindi pagkain ang dala kundi shabu.
Ayon sa pulisya, si Delos Santos ay una nang nakulong dahil sa pagiging sangkot sa illegal na drugs ngunit nabigyan ng pagkakataon na magtrabaho upang magbago.
More Stories
PROKLAMASYON SA 12 SENADOR, POSIBLE NA SA WEEKEND – COMELEC
DOST Region 1, BPI Foundation matagumpay na naiturn-over ang STARBOOKS sa limang pampublikong paaralan sa rehiyon
LACUNA, NAGPASALAMAT SA MGA MANILEÑO SA PAGKAKATAONG MAGING UNANG BABAE NA ALKALDE NG MAYNILA