
Namahagi ng food packs sa 100 na solo parent si Kagawad Maro Martires sa Barangay Rosario sa Pasig City bilang bahagi ng Nutrition Month.
Ramdam ni Kagawad Martires ang bigat ng responsibilidad ng mga solo parents, lalo na ang mga alalahanin nila ngayong nasa pandemya pa rin ang buong mundo.
Kaya naman tinututukan ng naturang kawagad ang pag-alalay sa kanila.
Pinasalamatan naman ng mga solo parent si Kagawad Martires para sa suportang ibinibigay nito sa mga solo parent at sa iba pang mahihirap nating kababayan.
Malaking tulong anila ang food pack na natanggap sapagkat nabawasan kahit papaano ang kanilang gastusin.
More Stories
PROKLAMASYON SA 12 SENADOR, POSIBLE NA SA WEEKEND – COMELEC
DOST Region 1, BPI Foundation matagumpay na naiturn-over ang STARBOOKS sa limang pampublikong paaralan sa rehiyon
LACUNA, NAGPASALAMAT SA MGA MANILEÑO SA PAGKAKATAONG MAGING UNANG BABAE NA ALKALDE NG MAYNILA