Mahigit sa 200 art pieces at wood works ang nagawa sa loob ng isang buwan sa pamamagitan ng paggamit ng purong indigenous materials ng isang grupo na binubuo ng apat na katao na gagawing Christmas decorations sa loob ng Fontana Leisure Park sa Clark Freeport.
Ayon kay Fontana Art Manager Reginald Dy gumamit sila ng materyales sa murang halaga ngayon taon dulot ng epekto ng COVID-19 pandemic.
“With the pandemic, we thought of helping the company. We took inspiration to utilize organic materials because Clark is very rich in nature,” saad ni Dy.
Ibinahagi niya rin kung papaano nila naisip ang ideya at kung papaano sinimulan.
“We walked and scanned the vicinity and we saw raw materials that are possible for creating the decorations,” banggit niya.
Inaprubahan naman ni Fontana Sales and Marketing Assistant Director Edith Pastoral ang ideya at nagbigay ng buong suporta sa malikhaing team na walang kapagurang nagtatrabaho upang maghatid ng ideya sa buhay.
“This year’s theme is Santa’s Christmas so we thought of just using these pieces of wood and turned it into good decorations. Less cost yet elegantly done so it’s a unique one,” wika niya.
“Right after the typhoons (Rolly & Ulysses),they (Art Department) started picking up wood pieces already. They made use of their time to get busy with all these stuff,” dagdag pa niya.
Iba’t ibang raw materials ang ginamit sa paggawa ng Christmas decors at lahat ng ito ay napulot lamang mula sa paligid ng Fontana. Kabilang dito ang tuyong kahoy, sanga at tangkay ng Mahogany, Acacia, Rubber tree, Fire tree, Indian tree, at Balete tree.
Ang iba pang materyales na ginamit ay ang mga nalaglag na dahon at nahulog na prutas mula sa Ipil-ipil, Sampaloc, Bayabas, kabilang ang Achuete at coffee beans at iba pa.
Sa kabila ng mababang budget, ibinahagi ni Fontana Marketing Communications Specialist Jasria Macabanti kung papaano ginawa ng kanilang grupo na maging posible ang malaking gawain sa kabila ng kakulangan ng manpower.
“We don’t have to be extravagant just to have elegant Christmas decorations. You just need to be creative and work with your team,” saad niya.
Ang pagtatrabaho nang kakarampot lamang ang budget ay naging isang silver lining para sa Art Department dahil sa mga natatanggap nilang positibong reaksyon at komento mula sa mga kliyente na kinikilala ang kanilang likhang sining.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA