Naglabas ang Clark Development Corporation (CDC) ng cease and desist order laban sa Fontana Development Corporation (FDC) at Fontana Resort and Country Club Incorporated (FRRCI), na nagpapahinto sa operasyon ng 300-hektaryang leisure park at casino complex sa Pampanga nitong Lunes.
Ayon sa CDC, “indefinitely suspended” ang lahat ng operasyon ng FDC at FRCCI kasama ang mga negosyo ng sub-lessees.
“Thus, any operations of FDC and FRCCI, including all businesses of sub-lessees, are indefinitely suspended,” mababasa sa bahagi ng CDC public notice.
Nagbabala ang CDC na ang hindi pagsunod sa utos ay maaaring magdulot ng mga hakbang tulad ng pag-terminate o pagpapatupad ng mga probisyon ng kanilang August 31, 2016 consolidated lease agreement.
Batay sa dokumento na nakalap ng Rappler, una nang nakatanggap ang Fontana ng kahalintulad na utos mula sa CDC noong Disyembre 2016 dahil sa nakabinbing imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa alegasyon ng unlicensed gaming operation at employment ng mga dayuhan ng walang legal na permit. Gayunpaman, sa parehong buwan, pinayagan ng CDC ang Fontana na muling magbukas ang lahat ng kanilang pasilidad.
Nalabas din ang CDC ng isa pang cease and desist order, na may petsang Mayo 20, 2020, dahil sa umano’y illegal na operasyon ng makeshift medical facility para sa Chinese patients sa isa sa mga villa ng Fontana. Inalis din ang suspensiyon pagkatapos ng wala pang dalawang linggo.
Noong Disyembre 17, 2024, pinutol ang mga linya ng kuryente sa complex dahil sa hindi nabayarang mga bill sa kuryente. Gayunpaman, naayos ang bayarin at naibalik ang kuryente dalawang araw ang lumipas, ayon kay Allan Resma, safety officer at tagapangulo ng family welfare program para sa mga empleyado ng Fontana.
Sinabi ni Resma na ang ilang mga nangungupahan, na may long-term leases, ay nanatili sa complex kahit na may utos na umalis na ang mga ito.
Aabot sa 500 empleyado ang apektado sa pagsasara ng Fontana, kabilang ang 346 mula sa resort at 229 mula sa casino.
More Stories
HUSTISYA PARA KAY PH ATHLETE MERVIN GUARTE!
4 patay sa pamamaril sa Batangas
4 KAWANI NG NBI, KASABWAT NA 7 FIXERS KALABOSO