December 23, 2024

Floating Solar Farms, isulong upang mapagkunan ng elektrisidad

Magandang araw sa inyo mga Ka-Sampaguita. Bahagi na ng ating buhay ang enerhiya. Ang elektrisidad. Sapol nang matuklasan ito ng aghamistang si Benjamin Franklin noong 1752, malaki ang naging pakinabang nito sa sangkatauhan.

Maraming imbensiyon ang nagawa dahil sa elektrisidad. Kaagapay ng bawat modernong teknolohiya ito. Imagine world without electricity.

Halos lahat ng gadget, equipment, makina at mga kasangkapan ay kuryente ang buhay. Kaya, ang kuryente ang nagsisilbing elixir o light source natin tuwing gabi.

Gayunman, dahil sa in-demand ang elektrisidad, kinagat ito bilang negosyo ng mga kapitalista. Ang resulta, nagpatayo ng mga planta at ikinalakal ng todo.

Ang bunga, heto mahal ang kuryente. Nagbabayad tayo buwan-buwan sa bawat kunsumo natin nito. Ang peligro, sa paggamit ng elektrisidad, nagsurusa ang kalikasan.

Naglalabas ang mga planta ng greenhouse gas emissions. Na bumubugbog sa ozone layer at kalidad ng hangin sa mundo.Kaya, naisipan ng bansang Singapore na gumamit  ng water-based panels bilang renewable energy. Mainam ito.

At dahil ang Pilipinas ay napaliligiran ng dagat, mainam din itong gawin. Bukod sa hydro-electricity at turbine, ang sikat ng araw at tubig ay champion bilang energy source.

Kaya, bagay na maglagay ng libo-libong solar panels na ilalatag sa dagat. Gaya ng ginawa ng Singapore. Libre lang ang sikat ng araw di ba?

Ang solar farm sa lion state ay nakalatag sa baybayin sa Johor Strait na naghahati sa bansa at sa Malaysia.

Mga 13,000 panels ang nakalatag na makagagawa ng 5 megawatts ng electricity. Mainam aniya ito upang mapailawan ang 1,400 flats sa buong taon.

Kung itutulak ito n gating gobyerno bilang long-term project, panalo na. Makakakuha tayo ng kuryente sa ilalatag na solar farms. Sa gayun, magiging mura na ang elektrisidad.

Kung ayaw ng ilan na buksang muli ang Bataan Nuclear Power Plant, ito na ang solusyon. Hindi rin masasakal ang kalikasan sa pagtutulak ng ganitong proyekto.

Viva la Raza.