March 25, 2025

FLOAT AT MASCOTS NG DOST REGION 1 AGAW-PANSIN SA GRAND PARADE

BINIGYANG-BUHAY ng Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1) ang agham para sa grand people’s parade ngayong taon na ginanap nitong Marso 15 sa San Fernando, La Union, sa pamamagitan ng kanilang agaw-pansin na float na nagpapakita ng innovation at technology at lalo pang naging exciting dahil sa kanilang mga mascot na nagbigay aliw sa mga kabataan at pamilya.

Tampok sa float ang smart at sustainable community concept na tumutugon sa apat na pillars ng national development sa human well-being, wealth creation, wealth protection at sustainability.

Ang display, na isang paunang sulyap sa nalalapit na National Science and Technology Week 2025 (NSTW 2025) sa Nobyembre, ay nagpakita ng mga maskot na sina Sciglat at Solido, na sumayaw, kumaway, at nakipag-ugnayan sa mga manonood, na ginawang masaya at kawili-wili ang agham para sa lahat.

Si Sciglat at Solido ang opisyal na mga maskot ng DOST Region 1 na kumakatawan sa misyon ng ahensya na itaguyod ang agham, teknolohiya, at inobasyon.

Ang Sciglat, na hango sa salitang Ilocano na “siglat,” na nangangahulugang “agile,” ay kumakatawan sa branding ng DOST Region 1 sa pangunguna at pagtataguyod ng mga inobasyon na naglalayong gamitin at pabilisin ang mga teknolohiya sa rehiyon.

Samantalang ang Solido, sa kabilang banda, ay kumakatawan sa lakas at tibay, na sumasalamin sa pokus ng departamento sa paghahanda sa sakuna.

Nalahukan ng grand paade ng maraming kahanga-hanggang mga float, ngunit ang entry ng DOST ay namutawi dahil sa pinagsamang edukasyon at entertainment.