Inanunsiyo ng Cebu Pacific na araw-araw na ang flight nito papuntang South Korea mula Clark International Airport simula sa Mayo 5.
Ayon sa airline, ang 5J 176 flight nito ay aalis sa Clark International Airport ng 4:35 ng hapon at darating sa Incheon ng 9:45 ng gabi. Korean standard time.
Mas maaga ng isang oras ang Korean time sa Pilipinas.
Samantala, ang return flight naman nito, aalis ang 5J 177 sa Incheon International Airport ng alas-10:45 ng gabi Korean time at darating sa Clark ng alas-2:05 ng madaling araw oras sa Pilipinas sa sumunod na araw.
“The launch of Clark – Incheon route brings the total number of international destinations that can be reached from Clark to six,” ayon sa Cebu Pacific.
Nauna nang inanunsyo ng airline na magpapatakbo ito ng 8 domestic at 5 international destinations sa Clark.
Lumilipad na ito ngayon sa 34 na domestic at 25 internasyonal na destinasyon, na sumasaklaw sa buong Asia, Australia at Middle East. (ARSENIO S. TAN)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA