NAKADAUPANG-palad ng korner na ito ang isang pinagpipitagang personahe sa larangan ng paglilingkod- bayan.
Malakas ang karisma niya sa tao at ramdam mo na isa siyang magaling na lider sa anumang sektor na kanyang kinabibilangan.
Siya ay professional, civic oriented at may malawak na pananaw para sa kapwa na kanyang nais paglingkuran sa tamang panahon at ayon sa kanyang tadhana.
Si G. Hilario Andes ay isang proud son ng Bicol-ang lalawigang mina ng matatalinong propesyunal sa kasaysayan ng bansa.
Nagtapos siya bilang accountant with distinction sa Divine World Academy sa Bicol (Board passer) at Masters in National Security Administration (MNSA) sa National Defense College with honors.
Nakapaglingkod din siya sa pamahalaan- sa PCOO ng People Television at sa Department of Trade and Industry.
Isa lamang simpleng mamamayan ang batang Larry mula Banquerohan sa Lungsod ng Legaspi pero ngayon ay isa na siyang matagumpay na lider na naging isang role model ng mga nakakilala sa kanya at inspirasyon ng maraming nag-aambisyong matupad din ang pangarap sa buhay.
Dahil sa malawak niyang pananaw sa buhay at pangarap para sa bayan, nagtatag si G. Andres ng isang organisasyon ‘for a cause’ na FLAG.
“Ang FLAG ay acronym ng Free our Lands against Greed- it is a collective concept of pioneers from here (Philippines) and kabayans in Australia, US, Canada, Europe and other parts of the world. Actually it started with a prayer, now it is already a big organization with a cause- and counting”, wika ni Andes na isa sa kanyang pangarap ay makalaya ang mamamayang Pilipino sa tanikala ng mga TRAPOS (traditional politicians) at mga nagkaugat ng mga political leaders pero walang nagawa para sa bayan.
Aniya ay dapat na ring tuldukan ang mga awayan ng interes-pulitikal ng mga dilawan o pulahan dahil ang nagsa-suffer ay ang kapakanan ng bayan.
“Optimistiko ako na babangon tayo bilang isang lahing kayumanggi ng Diyos na nagkaisa para sa ikasusulong ng bansa”, ani pa Andes na isinulong din ang modernong ‘farming’ na angkop sa bagong panahon.
“Mithiin ng FLAG na bawat bayan ay yayaman, bawat barangay ay tatagumpay, mga lupain, palayan, gulayan, tubigan, palaisdaan, bukirin, yayabong mga gubat na luntian, bawat pamilya ay may hanapbuhay, lahat ng Pilipino ay edukado at aasenso mula Luzon, Visayas at Mindanao.
Pero bago maisakatuparan at maging realidad ito, kailangang ikaw ay humahawak nang napakahalagang posisyon sa pamahalaang nasyunal.
Simple lang ang kanyang pormula ng good governance paninidigan dapat ang Oath ng Office.
Nang itanong ng UPPERCUT kung ano ang kanyang plano para sa Pilipino,” We’ll cross the bridge when we get there”, aniya… ABANGAN!
Lowcut: Legit at credible ang punto de vista ni G. Andes sa political scene, sa edukasyon, ekonomiya, kalusugan, siyensiya, soberenya, sining, sports atbp. Kaya kumporme ang ating mga kaisports sa Sama-Sama Sports Nationwide. Da best toits, Ka Andes!
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!