Ipinagmalaki ng Bureau of Customs na epektibong naipatutupad na sa unang quarter ng 2024 ang five-point priority programs na inilatag ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio.
Layon ng programa ni Rubio na mapalakas ang koleksiyon, mapadali ang proseso ng pangangalakal o trade processes at mapaigting ang seguridad sa mga hangganan ng bansa o border security sa ilalim ng Bagong Pilipinas ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kabilang sa naturang 5-point priority programs ni Commissioner Rubio ay ang digitalization gaya nang paggamit ng e-Travel Customs System at Electronic Customs Baggage and Currency Declaration Form sa 9 na international airports sa bansa na nagpabilis sa proseso sa kawanihan;
Ayon sa BOC, ngayong unang quarter ng taon ay nakakulekta ang bureau ng ₱219.385 billion, mas mataas sa first quarter target na ₱8.489 billion at may additional revenue pa na ₱1.088-B sa pamamagitan ng Prior Disclosure Program at ₱89.071 at ₱3.890 million sa subasta o public auctions;
Sa pamamagitan ng Customs Industry Consultative and Advisory Council naisagawa ang dayalogo sa pagitan ng bureau at sektor ng negosyo at naresolba ang mga isyu sa adwana at mga stakeholder;
Sa pamamagitan ng mahigpit na kampanya laban sa smuggling, nakumpiska ng bureau ang ₱18.11 billion na smuggled goods, 4.81 billion liters of fuel at nakakulekta ng ₱61.1 billion na duties and taxes;
Patungkol sa kapakanan at pagpapayabong ng mga kawani, 121 na empleyado ng Bureau ang nai-promote, 24 na tanggapan ang nagawaran ng ISO 9001:2015 Quality Management System certifications. Kaugnay nito nagpapasalamat si Commissioner Rubio sa mga kawani at mga opisyal ng Bureau na nagkakaisang palakasin ang mga programa ng kawanihan para sa tagumpay ng kampanya ng Bureau sa ilalim ng Administrasyong Marcos Jr.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA