
ARESTADO ang isang fish porter matapos tutukan at pagbantaan na barilin ang isang lola na napatingin lang sa sukbit niyang baril sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Mahaharap sa kasong Grave Threats, paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Omnibus Election Code ang suspek na si alyas “Seph”, 36, ng Market 3, Brgy. NBBN.
Sa ulat ni Navotas Police Chief P/Col. Mario Cortes kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, naglalakad ang biktimang si alyas “Bekang”, 65, ng Yellow Bell St. Brgy.NBBS-Proper, sa Greenzone R-10, Brgy, NBBN, nang makasalubong niya ang suspek dakong alas-11:45 ng gabi.
Gayunman, nilapitan ng suspek ang biktima at tinutukan ng baril sabay pinagbantaan ng “Ano tinitingin-tingin mo diyan? Gusto mo putukan kita?”.
Sa labis na takot ng biktima, nagtatakbong palayo sa lugar hanggang masalubong ang mga tauhan ni Col. Cortes na nagsasagawa ng Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) na nahingan niya ng tulong.
Agad namang rumesponde ang mga operatiba ng ng Intelligence Unit na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at nakuha sa kanya ang isang hindi lisensiyadong kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala.
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN