Inaasahan ng Bureau of Immigration (BI) ang 30% pagtaas ng bilang ng darating na dayuhang turista sa unang araw ng pagbubukas ng border ng bansa.
Ayon kay BI port operations division (POD) chief Atty. Carlos Capulong, inaasahan nila ang 7,000 na mga darating ngayon na mas mataas sa 4,816 arrivals noong Pebrero 9.
Kabilang sa inaasahan nilang mga mananakay sa bansa ay mga Filipino, habang 27% dito ay mga dayuhan.
Matatandaan na unang inihayag ng BI ang pagbubuikas ng bansa sa mga dayuhang turista simula Pebrero 10. Ang mga fully vaccinated na mga dayuhan ay maari nang pumasok kung magpapakita ng mga dokumento na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
Ipinag-utos naman ni BI Commissioner Jaime Morente sa lahat ng port personnel na maging vigilante at siguraduhin na ang mga karapat-dapat lang mga mga dayuhan ang papayagang pumasok sa bansa.
Inaasahan ni Morente ang mga pamilya, mga mahal sa buhay at mga partner isang Filipino ang inaasahan sa first wave ng mga turistang darating.
“Many unmarried couples and families have long lobbied for the reopening of our borders for them to be reunited with their loved ones,” ayon kay Morente. “We expect that some of the first to arrive here will be those who wish to be together with their families,” dagdag pa nito.
Umaasa si Morente na aabot sa 10 hanggang 12K per day ang bilang ng mga darating sa mga susunod na buwan. “Hopefully everything goes well as we transition towards the new normal,” ayon kay Morente. “We see this as the start of the recovery of the tourism industry which we hope will renew its vigor as in the previous years,” dagdga pa ng BI Chief.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY