![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2025/02/dost-1-pic-2-1024x683.jpg)
Nagkaroon ng isang makabuluhang pangyayari sa Mariano Marcos State University (MMSU) sa Ilocos Norte, kung saan ang Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1) ay proud na nakibahagi sa inagurasyon ng unang Wave Flume Facility sa bansa, na matatagpuan sa MMSU.
Ito ay isang mahalagang hakbang sa pagtataguyod ng coastal engineering research at disaster resilience sa rehiyon.
Bilang kauna-unahan sa Pilipinas, ang makabagong pasilidad na ito ay naglalayong paunlarin ang pananaliksik sa wave dynamics, coastal erosion at climate change.
Bukod dito, makakatulong ang pasilidad na ito sa pagbuo ng mga mas matibay at ligtas na estruktura sa mga lugar na madalas na tinatamaan ng mga bagyo at baha.
Nagpahayag naman si DOST 1 Regional Director Dr. Teresita Tabaog ng matinding suporta para sa inisyatiba, binibigyang-diin ang mahalagang papel nito sa disaster risk reduction at innovation sa coastal infrastructure.
“As we inaugurate this facility today, let us celebrate not just the structure before us, but the endless possibilities it represents—the knowledge we will gain, the solutions we will create, and the future we will shape together,” ayon kay Dr. Tabaog.
Ang Wave Flume Facility ay bahagi ng Coastal Engineering and Management Research and Development Center (COASTER) at ito ay binuo sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng MMSU, DOST-Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (DOST-PCIEERD), at iba pang mga pangunahing stakeholder.
More Stories
ROMUALDEZ, 3 PANG KONGRESISTA KINASUHAN NG DUTERTE ALLIES (Dahil sa umano’y anomalya sa 2025 budget)
‘Siga’ isinelda sa baril at panggugulo sa Caloocan
Wanted person sa rape timbog