Naglabas ng pahayag si dating Pangulo at incumbent Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay ng kumalat na balita na napaniwala siya ng isang lady solon na may basbas ni First Lady Louise Araneta-Marcos ang pagsibak kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Inilabas ni Arroyo ang pahayag sa Facebook.
“I am truly sorry that she should even be dragged into this political fantasy of a House coup – it is disrespectful to her and to her intelligence,” sabi ni Arroyo.
“Whoever is spreading these pathetic rumors are the ones duping the Filipino people, and they should now move on to the serious business of making positive contributions to national progress,” dagdag pa ni Arroyo.
Sinabi ni Arroyo na alam ng bawat politiko na walang kudeta sa Kamara de Representantes na nagtatagumpay kung walang basbas ng Pangulo.
“That is simply a fact of life in Philippine politics,” dagdag pa ng dating Pangulo.
Iginiit din ng dating Pangulo na mayroon siyang kontribusyon sa pagbuo ng UniTeam, ang grupo nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte noong 2022 elections.
Thus, I would never take any action to destroy it,” sabi pa ng dating Pangulo, na naging Speaker matapos ikudeta si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez noong 2018.
“Third, I did not have any conversation, here or abroad, with any congressman or congresswoman, or any other politician active or retired, to plot, support, encourage or participate in any way in any alleged House coup,” dagdag pa ng dating Pangulo.
Sa gitna ng balitang kudeta, pinalitan si Arroyo bilang senior Deputy Speaker ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW