DAPAT humingi ng tawad si dating Biliran Lone District Rep. Glenn Chong kay First Lady Liza Araneta-Marcos na pinagbantaan nitong sasampalin sa rally ng mga suporter ni Pastor Apollo Quiboloy kamakailan.
Ayon kina Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers at Surigao del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel, hindi maganda ang ginawa ni Chong, na tumakbo sa pagkasenador subalit natalo.
“That is conduct unbecoming of a gentleman… Women’s Month pa naman,” sabi ni Barbers, chairman ng House committee on dangerous drugs.
“Chong should apologize,” dagdag pa ni Barbers na isang stalwart ng Nacionalista Party (NP).
Sinabi naman ni Pimentel, assistant minority leader ng Commission on Appointments (CA), na dapat humingi ng tawad si Chong sa may-bahay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“I saw the video clip and I denounce his disrespect to the First Lady,” sabi ni Pimentel, isang stalwart ng National Unity Party (NUP).
“We demand a public apology from Chong,” dagdag pa ng mambabatas.
Si Chong ay naging kinatawan ng Biliran mula 2007 hanggang 2010. Siya ay muling tumakbo noong 2010 at 2013 elections subalit natalo kay Rep. Rogelio Espina.
Tumakbo si Chong sa pagkasenador noong 2019 pero natalo rin.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA