November 5, 2024

FIRST GOLD MEDAL NG BANSA SA BOKSING, MAKUKUHA SA 2024 PARIS OLYMPICS

Naniniwala si Mansueto ‘Onyok” Velasco na makakasungkit din ang national boxing team ng unang gold medal nito sa Partis Olympics sa 2024.

Sa isang panayam sa radio, sinabi ng 1996 Atlanta Olympics silver medalist na masaya siya para sa Association of Boxing Alliances of the Philippines; matapos makasubi ng tatlong medalya sa Tokyo Olympics.

Ito ay sa katauhan nina Nesthy Petecio at Carlo Paalam na sumungkit ng silver medal. At ni Eumir Felix Marcial na bumanat naman ng bronze medal.

Ayon pa sa consultant ng Philippine Sports Commission, hinog na ang mga Pinoy boxers at tiyak na makakaupak na ito ang gold medal sa Summer Games tatlong taon mula ngayon.

 “I’m happy that our country’s boxing rose up since we haven’t won any medals in the Olympics for the last 25 years,” ani Velasco.

“I think that this is the sign that we will finally get the gold medal in the next Olympics.”