Tagisan ng husay na tila nasa international competition ang mga premyadong junior swimmers sa bansa na sasabak sa swimming event ng 2024 Palarong Pambansa sa bagong ayos na Cebu City Swimming Center.
Ito’y bunga nang magarbong pagbibihis ng Finis Philippines sa venue maging sa buong kapaligiran nito matapos ang pakikipagtambalan ng Department of Education (DepEd) sa premyadong swimming apparel sa bansa.
Bukod sa pagbibigay ng mga kasuotan para sa mga technical officials at swimming paraphernalia, inayos ni Finis ang venue at ang paligid sa mala-fiesta na kapaligiran na angkop para sa mga student-athletes na pawang mga kampeon sa kani-kanilang provincial qualifying meet.
Ang pagtutulungang ito ay pagpapatunay sa hangarin ng Finis Philippines na suportahan ang sports para sa kabataan at isulong ang kahusayan sa paglangoy sa mga atletang Pilipino para maabot ang kanilang buong potensyal sa swimming.
“We are thrilled to partner with the 2024 Palarong Pambansa, a platform that celebrates the talent and dedication of young swimmers from all regions of the Philippines,” said Coach Vince Garcia, Managing Director of Finis Philippines. “This partnership reflects our ongoing commitment to fostering a culture of sportsmanship and excellence in swimming.”
Itatampok sa 2024 Palarong Pambansa ang mga kompetisyon sa paglangoy kung saan ipapakita ng mga estudyanteng atleta ang kanilang kakayahan at determinasyon. Makakatulong ang suporta ng Finis Philippines sa tagumpay ng mga kaganapang ito, na tinitiyak na ang mga kalahok ay may access sa de-kalidad na kagamitan at kagamitan sa paglangoy.
Ang two-time World Junior Championships campaigner na si Michaela Jasmine Mojdeh at Palaro standout Yuan Parto ang kasalukuyang ‘Sports Ambassadors’ ng Finis. Magkasangga ang dalawa sa Behrouz Elite Swimming Team at Team Paranaque para sa Palaro ngayong taon.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Finis Philippines at mga produkto nito, bisitahin ang www.finisph.com. (DANNY SIMON)
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON