
INIHAHANDOG ng Provincial Government ng Surigao del Norte, sa pakikipagtulungan ng Siargao Island Surfers Association (SISA) at Pilipinas Surfing-United Philippine Surfing Association (UPSA) ang 1st Governor’s Cup National Surfing Competition.
Gaganapin ang nasabing event sa Oktubre 2 hanggang 13, 2022 sa Siargao Island, Surigao del Norte, ang Surfing Capital ng Pilipinas.
Iniimbitahan ang lahat ng Pinoy surfer sa buong bansa na lumahok sa napakahalagang okasyon, upang ipakita ang ating world-class talents sa pagsu-surfing.
“This event is sanctioned by Pilipinas Surfing – UPSA, the National Program supported by Philippine Sports Commission and MVP Sports Foundation,” mababasa sa post ng Gov. Lyndol Barbers Page sa Facebook.
Abangan ang mga karagdagang detalye na ipoposte agad sa kanilang Facebook page.
More Stories
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms
Bike Lane Barriers sa EDSA, Tahimik na Inalis — mga Cyclist, Nanganganib!
P102K SHABU NASAMSAM! KELOT KUMAGAT SA BUY-BUST SA VALENZUELA