
NAPABILANG ang pangalan ni PageOneGroup chief Ron Jabal sa “People of the Year 2020 sa Golden Flag Awards – ang pinaka-prestihiyosong award giving body para sa public relations at communication professional sa China.
Ang naturang pagkilala ay inanusyo sa ginanap na awarding ceremonies sa Beijing.
Iginagawad ang GFA People of the Year Award sa visionary, strategic at innovative communication professional elites na nagunguna sa development ng PR at communication professions sa China at Asia Pacific.
Napili ang mga nanalong nominado base sa kanilang kontribusyon, tagumpay, reputasyon, impluwesya sa grupo, saloobin at mga makabagong ideya ng PR sa larangan ng marketing.
Si Jabal ang una at natatanging Filipino na awardee at isa sa dalawa mula Southeast Asia na nakatanggap ng prestiyosong patimpalak.
More Stories
SENADO NAG-CONVENE BILANG IMPEACHMENT COURT
Pinuno ng Japanese Crime Syndicate, Nalambat ng BI sa Pampanga
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms