HINDI pa rin nababagabag si Vice President Leni Robredo matapos muling maliitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kakayahang mamuno kung sakaling tumakbo ito bilang pangulo sa 2022.
Bagama’t hindi panga kinukumpirma kung may balak siyang tumakbo sa pagka-pangulo, sinabi ni Robredo na hindi si Duterte ang magpapasya kung may kakayahan ito o hindi sapagkat ang taumbayan pa rin ang magdedesisyon nito sa huli.
“Pag ganun kasi, hindi naman siya ‘yung magdedesisyon kung qualified ako o hindi. ‘Yung taumbayan ‘yung magdedesisyon,” ani ng Vice President.
Ayon kay Robredo hindi niya kontrol ang reaksyon ni Duterte, ngunit nalulungkot siya dahil sa madalas na pang-iinsulto ng Pangulo sa tuwing pinupuna nito ang mapang-abuso o mali nitong polisiya lalo na sa panahon ng coronavirus pandemic.
“Hindi ko naman dedepensahan ‘yung sarili ko. Pero ‘yung sa akin lang, makakabuti sa ating lahat ‘pag nakikinig, ‘pag nakikinig sa mungkahi, nakikinig sa pagpansin ng ibang mga polisiya,” Robredo said.
“Hindi ko naman dedepensahan ‘yung sarili ko. Pero ‘yung sa akin lang, makakabuti sa ating lahat ‘pag nakikinig, ‘pag nakikinig sa mungkahi, nakikinig sa pagpansin ng ibang mga polisiya,” ani Robredo.
“Kasi ipinakita ng buong mundo, lalo na ngayong panahon ng krisis, na ‘yung mga leaders na marunong magkonsulta, ‘yung mga leaders na marunong tumanggap ng pagkukulang, ‘yung mga leaders na marunong makinig, ‘yung mas consultative, mas maayos ‘yung response,” dagdag ng Vice President.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA