
NATAGPUANG wala ng buhay ang isang Filipino-Chinese businessman sa loob ng kanyang condominium sa Malate, Manila kaninang umaga.
Nakangudngod sa sahig ang mukha ng biktimang si Ramon Dee, tinatayang nasa 80-anyos, nang makita malapit sa pinto ng kanyang unit sa 8th floor, Room 808, Imperial Bayfront Tower Condominuim sa 1642 A. Mabini St., sa nabanggit na lugar.
Ayon sa Manila Police District-homiside section, natagpuan ang biktima dakong alas-4:15 ng madaling araw ng isang Manny Sebat, 44, na nanunuluyan sa Room 802.
Agad itinawag ni Sebat ang pangyayari sa security guard na si Jeffrey Almario, na nagpasaklolo sa pulisya.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na walang sugat na nakita sa biktima at hindi nagulo ang kanyang unit.
Teyorya ng pulisya na namatay sa atake ang biktima. Ang kanyang labi ay dinala sa funeral home para sa awtopsiya.
More Stories
PATAY NA SANGGOL INIWAN SA CR NG MANILA DOCTORS HOSPITAL
INAWAY NG SYOTA NA ‘TIBO’ DAHIL SA PERA, BEBOT NAGPATIWAKAL
Protesta umarangkada… PANG-AANGKIN NG TSINA SA PALAWAN, PINALAGAN