Muling binigyan ng parangal ng Guinness Book of World Records si Filipino bowling legend Paeng Nepomuceno. Ang gawad pagkilala ay pang-apat na ni Nepomuceno.
Ito’y matapos lagpasan ni Nepomuceno ang kanyang record para sa ‘most bowling titles’ na inirekta nito noong 2007.
In-update ng Guinness ang career titles sa 133 mula sa previous na 118. Nakamit ng bowling legend ang kanyang 133rd title noong 2019 sa Quezon City.
Ito’y nang magwagi siya sa PTBA Mixed Open sa edad na 62. Naitala rin ito bilang ‘oldest Masters champion.
Hawak ni Nepomuceno ang three unbroken Guinness World records. Iniluklok din siya bilang “Athlete of the Century” sa katapusan ng taong 1999. Pati na rin ‘Athlete of the Millennium’ noong 2000 ng Philippine Sportswriters Association.
Siya rin ang youngest World Tenpin bowling champion sa pagkapanalo sa 1976 Bowling World Cup (BWC) sa Tehran, Iran.
Pinagwagian din niya ang most Bowling World Titles sa 3 magkaibang dekada (1976, 1980, 1992, at 1996 Bowling World Cup titles, 1984 World’s Invitational at 1999 World Tenpin Masters.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!
Football Festival Exhibition Game, idinaos sa loob ng New Bilibid Prison