November 15, 2024

FILIPINO ARTISTS NAG-DONATE NG PAINTING SA PH EMBASSY SA FRANCE

Isang painting na kumikilala sa talambuhay ng isang Overseas Filipino Worker ang idinonate sa Philippine Embassy sa France ng Filipino artist na si Myse Salonga.

Ayon kay Salonga, personal niyang dinala ang kanyang painting na may titulong “Marianne” sa Philippine Embassy sa France at ngayon ay nadagdag sa koleksyon ng embahada matapos itong tanggapin ni Ambassador Junever Mahilum-West.

This piece is a tribute to the resilience and dedication of our OFW in France and heartfelt thanks to the Embassy and Ambassador West for graciously accepting my painting,” pakli ni Salonga.

Si Salonga ay kabilang sa 50 artists mula sa 20 iba’t ibang bansa na lumahok sa isang exhibit sa Paris upang makalikom ng pondo para sa mga kabataan mula sa Pilipinas, Uganda at Tanzania.

Idinisplay ang paintings, sculputures, photography at digital arts nitong Mayo 30 hanggang Hunyo 2 bilang selebrasyon sa 21st edition ng “Rendezvous aux Jardins,” isang proyekto ng French Minister of Culture.

Ayon kay Salonga, ang kanyang obra ay kinikilala ang pharmacist na si Marriane Tan sa Pilipinas na inabandona ang kanyang propesyon at nakipagsapalaran sa France bilang undocumented worker para punan ang request ng kanyang anak na babae na makapag-aral ng law.