Binasag ni Fil-Canadian Shiloh Corrales-Nelson ang eight-year-old Philippine record sa women’s hammer throw.Nasungkit nito ang gold medal sa Triton Invitational 2021 sa Triton Track and Field Stadium sa California.
Bilang kinatawan ng University of California (UC) Riverside, naibato ni Corrales sa 50.63 meters na layo ang hammer sa kanyang sixth throw.
Kung kaya, nabura nito ang 50.55m record ni Loralie Sermona noong 2013 Asan Championship sa Pune, India. Na-improved din nito ang kanyang personal best na 50.50m.
Nalampasan ng younger sister ni national team mainstay Zion Corrales-Nelson ang record ng mga kalaban sa torneo. Kabilang na ang 50.57m ni UC San Diego sophomore Crystal Diei.
Gayundin ang 46.09m ni Felicia Crenshaw ng San Diego St. Na-settled ng 19-anyos na si Shiloh ang silver sa paghagis ng 13.03m.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo