Sumungkit ng bronze medal si Fil-American trackster Eric Cray sa Michael Johnson Invitational sa Clyde Hart Track & Field Stadium sa Waco, Texas.
Ito ay para sa kanyang minimithing Olympic berth. Hawak ni Cray ang three Philippine records. Kung saan, naglista ito ng men’s 400-meter hurdles na may oras na 51.61 seconds.
Nakuha naman ni Moitalel Mpoke ng Texas A7M an gold medal sa paglista ng 50.63 seconds. Habang si Pablo Ibanez ay nagtapos sa silver na may 51.32 seconds.
Sa kabila ng kanyang podium finish, ang performance ni Cray ay mas mabagal ng 3 seconds. Kumpara sa Olympic qualifying standard na 48.90 seconds.
Gayunman, buhay pa ang pag-asa niya na makapalaot sa Olympics. Lalahok pa kasi ang six-time SEAG gold medalist at 2017 Asian Athletics champion sa three meets ngayong buwan.
Kabilang na rito ang Don Kirby Tailwind Open sa New Mexico sa April 22. Susundan naman ito ng Drake Relays sa Iowa sa April 24 at Texas Meet sa April 30.
Apat na torneo naman ang sasalihan niya sa Mayo.
More Stories
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON
17 BuCor Custodial Inspectors graduate na sa Advanced Training Program
MGA PRODUKTONG GAWA SA BICOL, BENTANG-BENTA SA OKB REGIONAL TRADE & TRAVEL FAIR