April 12, 2025

FIL-AM LAUREN MERCADO PAKITANG-GILAS SA SM PICKLEBALL MOA POWER TOUR

Si Fil-Am pickleball player Lauren Mercado (gitna) mula Los Angeles sa kanyang Meet& Greet na bahagi ng kanyang SM Active Hub Power Tour sa MoA kahapon. (Menchie Salazar)

DUMAGSA ang mga entusyastikong kabataan at adult para sa espesyal na kaganapang SM Active Hub sa SM Mall of Asia kahapon.

Patuloy ang pagsikat ng larong pickleball sa bansa at dumaramì pa ang nagkakahilig na kabataan na subukan ang larangan.

Inihandog ng SM ACTIVE HUB ang pickleball clinic para sa beginners, exhibition games ng mga eksperto na sa laro kabilang na ang sumisikat na ring pickleball player na Filipina- American paddler Lauren Mercado kasabay na rin ng meet ang greet ng mga lahat nang pickleball enthusiasts sa Music Hall ng SM MoA.

Ang mabulas na 16-anyos na manlalarong mestisang si Lauren Mercado na nakabase sa Los Angeles, California, USA ay kasalukuyang nasa bansa para sa kanyang SM Pickleball Power Tour na nagsimula sa Mall of Asia kasunòd ang mga piling SM branches partikular sa Maynila at karatig.

“I enjoyed exchanging paddle-wielding game with potential young players here. It’s not just play for fun, they’re competitive,” wika ni Lauren na aktibo sa paglalaro ng pickleball sa L.A. at premyado nang manlalaro lalo ngayong gumagaganap na siyang ambassadress ng larong pickleball.

“Thanks SM for the opportunity.”

Wish din ni Mercado na katawanin ang bansa sa mga hinaharap na international competitions. (DANNY SIMON)