NAGING host ang Department of Trade and Industry (DTI) ng Fiesta Haraya 2024 sa Marinduque, na idinaos mula Disyembre 2 hanggang 4, 2024, na layong palakasin ang creative economy at cultural heritage sa MIMAROPA region.
Binigyang-diin ni DTI Region 4B Director Rodolfo Mariposque ang commitment ng DTI na mapalakas ang ekonomiya at isulong ang kultura sa pamamagitan ng pagpapabuti ng sining at industriya.
Itinampok niya ang mga inisyatiba ng Fiesta Haraya upang bigyang suporta ang local artists at MSMEs sa pagpapalawak ng kanilang pagiging malikhain.
Inorganisa at pinangunahan ng DTI Marinduque Provincial Office, kaloob ng Fiesta Hiraya ang platform para sa skills development, collaboration at ipinakita ang creative potential ng rehiyon.
Tampok din sa nasabing event ang workshops kung saan marami ang lumahok. Ang mga workshop na ito ay sumasaklaw sa iba’t ibang larangan tulad ng realism painting, events management and hosting, sculpture, cultural sensitivity, contemporary dance, traditional Kalutang, digital marketing, at feature photography.
Nagtapos ang event sa isang showcase ng workshop outputs, kung saan tampok ang realism paintings at intricate sculptures, Kalutang music performances at contemporary dance pieces.
More Stories
World Slasher Cup nakatakda sa Jan. 20-26 sa Araneta Coliseum
BONG GO: BIKOY DAPAT MAGPATINGIN SA MENTAL HOSPITAL!
2 bata nagasaan ng taxi sa Caloocan, 1 patay, 1 sugatan