NAGPALIWANAG si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes kung bakit di nabigyan ng mahabang playing time ang ating tore at NBA aspirant Kai Sotto sa naging pagkatalo ng mga Pilipino kontra mas matatangkad na Dominican Republic 81-87 sa unang araw ng bakbakan 2023 FIBA Basketball World Cup kamakalawa sa Philippine Arena sa Marilao,Bulacan.
Ayon kay Reyes,pumutok nang husto ang opensa ng ibang local big men na sina June Mar Fajardo,AJ Edu at Japeth Aguilar kaya di nya mahugot sinoman sa kanila.
Ang crowd favorite na si Sotto ay ipinasok sa huling apat na minuto ng first quarter pero agad nag- commit ng 2- sunod na fouls sa loob ng isang minuto kaya agad siyang pinalitan at magbabad sa bench hanggang sa umabot na sa kabuuan ng laro ay hindi na nakà bawi ang Gilas tungo sa paklasap ng unang talo ng Gilas Piĺipinas kontra Dominicans
Tulad ng inaasahan,kumamada si Philippine’s ‘Abay’ Fajardo katuwang din si sina Aguilar at Edu kontra mga higante ng Dominicans sa pangunguna ni NBA star Karl Anthony Towns ng Minnesota Timberwolves.
Tiniyak naman ni Reyes na bibigyan niya ng mahabang plying time si Sotto na mainstay sa Japanese B-League ay nakapaglaro na sa NBA Summer League na si Sotto.
“He will have his playing time and we expect him to deliver in our remaining games against Angola and italy”,ani Reyes sa post interview.
Nanguna sa Gilas Pilipinas ang naturalized player na si Jordan Clarkson ng Utah Jazz sa kanyang 28 puntos bago na- foulout sa huling bahagi ng 4th quarter.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA