2021 FIBA ASIA CUP QUALIFIERS SA CLARK. Dumating na sa Quest Hotel and Conference Center sa loob ng Clark Freeport Zone ang mga koponan mula sa mga kalahok na bansa sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers. Kabilang din ang Gilas Pilipinas Team sa first teams na dumating sa Clark.
CLARK, PAMPANGA – Nagsimula nang dumating sa Clark, Pampanga ang Gilas Pilipinas Men at foreign basketball teams para sa International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup Qualifiers na itinakdang magsimula ngayong linggo.
Sinaksihan nina BCDA President and Chief Executive Officer Vince Dizon, Clark Development Corp. (CDC) President and CEO Manuel Gaerlan, at BCDA Senior Vice President for Corporate Services Group Arrey Perez ang pagdating ng koponan kahapon sa Quest Hotel at Conference Center sa Clark.
“We are very much proud and happy to host here in Clark the 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers. We hope that our countrymen will cheer not only for our national team but also welcome the teams from China, Japan, South Korea, Thailand, Indonesia and Chinese Taipei,” saad ni Gaerlan sa isang press conference nang dumating ang mga player.
Dagdag ni Dizon, “This is the first international sporting event since we went through this very difficult time. Seeing Gilas Pilipinas compete here in our home is such a welcome sight and gives us so much hope that we are towards the tail end of this difficult time.”
Kasama rin sa virtual press conference sina Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Executive Director Sonny Barrios, Deputy Executive Director Butch Antonio at Special Assistant to the President Ryan Gregorio.
“We cannot overemphasize our gratitude for (BCDA and CDC’s) valuable support to make this event take place after a couple of earlier postponements because of the challenges of the pandemic. But through your kind and strong assistance, finally we are here,” saad ni Barrios.
Dagdag niya, “As far as this international event is concerned, this is only the first step towards our long journey to the 2023 World Cup that we are hosting.”
Ang Pilipinas, sa pamamagitan ng BCDA, CDC at SBP, ang magho-host para sa third at final window ng FIVA Asia Cup Qualifiers mula Hunyo 16 hanggang 20.
Ayon kay Perez, ang naturang event ay naging posible dahil sa pakikipagtulungan ing iba’t ibang stakeholders. “Prior to this event, we coordinated with all stakeholders and they gave us their full support. The most critical thing is to provide tighter security as we’ve learned during PBA bubble. All hands on deck and we’re confident that we’ll make this event successful,” saad ni Perez.
Nang dumating sa hotel, ang Gilas Pilipinas at iba pang anim na koponan mula China, Chinese Taipei, Indonesia, Japan, Malaysia, South Korea at Thailand ay kailangan sumalang sa RT-PCR test bilang bahagi ng mahigpit na health at safety protocols na itinakda ng FIBA.
Ang foreign participants ay kinakailangang kumuha ng pre-travel RT-PCR tests ng 12 days, 7 days at 3 days bago ang pag-alis.
Kapag nagpositibo ang bubble participants sa COVID-19, agad itong ia-isolate at sasailalim sa confirmatory test isang araw makalipas. Isasagawa rin ang contact tracing sa loob ng ilang oras pagkatapos ng detection.
Ang paggalaw ng mga manlalaro, coach at kawani ay malilimitahan sa loob ng mga paliparan, hotel at venue ng laro.
More Stories
QUIBOLOY NAILIPAT NA SA PASIG CITY JAIL
5 drug suspects, kulong sa higit P400K droga sa Valenzuela
VP SARA, OVP SECURITY CHIEF KINASUHAN