INANUNSYO ng kompanyang Pfizer- BioNTech na 100 porsyento epektibo ang kanilang bakuna sa Covid-19 kapag ginamit sa 12 hanggang 15 anyos.
Nauna na nilang target na bakunahan ang mga bata para muli nang makapagsimula ang pisikal na klase nang ligtas at walang pangamba.
Sa ginawang Phase 3 trials, 2,260 ang naging kalahok sa United States kung saan “demonstrated 100 percent efficacy and robust antibody responses,” ayon sa pahayag ng mga kompanya. Sa ngayon, hindi pa nakararating ang bakuna ng Pfizer sa Pilipinas dahil sa limitasyon ng suplay.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA